.achilles'heel.

time to show a little secret.

Name:
Location: Philippines

We're just under the same sky.

Saturday, April 01, 2006

ako. sa kaloob-looban ng hypothalamus mo.

sagana sa dakdak ang hangin nang piliin mong tumabi sakin ng araw na yun sa pila ng mistulang nagmamakaawa para sa relief goods.
humigop ka ng konting pepsi sa kanina mo pang pinapalong bote sa upuan natin.
huminga ka ng malalim at umusal ng, 'ang tagal naman'
hindi kita kayang tingnan kasi hindi kita ka-level
level.level.level. kailan ba natutunan ang sistemang yun?
makalipas ang isang oras, nakalahati na rin natin ang pila.
ikalawang oras nang magkaroon tayo ng 'synaptic connection'.
inalok mo ko ng kendi. mentos. hindi ako mahilig dun pero sige na nga. pampalipas oras lang.
nginitian kita at ganun din naman ang tugon mo.
ikatlong oras. dalawang rows na lang at tayo na. humarap ka sakin at sinambit mo.
'siguro pag nandun na tayo, ang sarap ng feeling'
nye. hindi ako natuwa. pero sige baka kasi sabihin mo naluge ka, 'oo nga'
nahuli kitang nakatingin ka sakin pero pilit kong binalewala iyon.
at ng dahil dun ako naman ang nahuli mo pero ganun din ang reaksyon mo.
o sige, wala lang kunwari.
tatlong tao na lang ang natitira at tayo na.
ngunit hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. at wala na rin naman akong lakas ng loob para malaman.
napatulala na lang ako. itinabi ka lang sakin ni Lord para kahit papaano malibang ako. tnx ha. (siyempre sa isip ko lang yan) napangiti ako ng hindi sinasadya sa naisip ko. akala mo para sa'yo yun. o siya sige, nginitian na kita ng tuluyan pero kailangan ko ng umalis.
panu ba yan? kitakits na lang kahit saan.

5 Comments:

Blogger ai-lin said...

sa maniwala kau at sa hindi... tungkol ito sa isang ka-baro ko.. hehe.. isang bagong kaibigan.

7:25 AM  
Blogger Sinukuan said...

ashus bakit ka defensive?! =D

2:20 AM  
Blogger ai-lin said...

wala lang.kaw talaga..

6:10 AM  
Anonymous Anonymous said...

aba...bus...hehehe...

5:01 AM  
Blogger ai-lin said...

hoi... anu iniisip mo jan ha?!

6:05 AM  

Post a Comment

<< Home